ZAMBOANGA CITY – Nasunog ang isang lancha o Dry Docked Motor Launch Sea Vessel na M/L Nurhuda bandang ala-1:00 ng madaling araw sa siyudad ng Zamboanga.

Sa nakalap na impormasyon ng Star FM Zamboanga, ang nasabing lantsa ay pagmamayari ng isang Hadji Bas Mahadali.

Ayon sa imbestigasyon, umabot sa third alarm ang sunog kung saan umabot sa P7,000 ang tinatayang halaga ng pinsala ng naturang motor boat.

Sa ngayon ay isinasailalim na ito sa repair sa kustodiya ng Barradero de Recodo Inc.