-- Advertisements --

Nagdulot ng panic sa mga taga-Batangas ang nangyaring malakas na lindol sa araw ng Pasko.

Ayon kay Lemery Mayor Eulalio Alilio, nabahala ang ilang Batangueño sa pagyanig lalo pa at noong Enero lang ay nagkaroon naman ng pagsabog sa Bulkang Taal.

Noong nagkaroon ng kaunting kaguluhan dahil sa lindol, sinabi ni Alilio na hindi nasunod ang minimum health protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic, lalo na ang physical distancing.

Pero noong medyo nahimasmasan na aniya ang mga nag-panic na residente ay kaagad naman ding sumunod ang mga ito sa social distancing.

Samantala, tiniyak naman ng alkalde na nakahanda ang lokal na pamahalaan na rumesponde sakali man na magkaroon ng mga aftershock.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang inspeksyon ng mga opisyal kung mayroong nasirang mga imprastraktura sa naganap na lindol.