-- Advertisements --

Dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan dulot ng Bagyong Fabian, nakapagtala ang NDRRMC ng landslide sa Cordillera region.

Ayon sa NDRRMC ongoing ang clearing operations sa nangyaring landslide sa may bahagi ng Bubon Virac- Kias Road sa Itogon, Benguet.

Nagpadala na rin ng mga heavy equipment sa lugar mula sa Ashni Gusher Aggregates.
Nasa lugar na rin ang mga responders mula sa Itogon MDRRMC, Itogon PNP, at mga volunteers.

Pinayuhan naman Cordillera RDRRMC ang lahat ng mga biyahero at ang publiko na iwasan muna ang nasabing lugar, maging ang mga kababayan natin na nakatira sa mga tinaguriang high risk areas ay pinayuhang sumunod sa utos na paglikas mula sa mga lokal na opisyal.

Kasalukuyang nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal sa iba’t ibang bahagi ng Luzon dulot ng Typhoon ‘Fabian’.

Kaya pina-alalahanan ng NDRRMC ang publiko na mag-ingat sa dalang hangin ng bagyo na maaaring magdulot ng pagkasira sa mga kabahayang gawa sa lightweight materials, mga “high risk” na istruktura, at maging sa ilang pananim.

Samantala, naka standby na rin ang search and rescue team ng PNP sakaling kakailanganin ang kanilang tulong.

Naka preposition na rin sa ngayon ang ilang emergency equipment ng Quezon City Risk Reduction Management Council para matiyak ang kaligtasan ng mga residente lalo makakaranas pa rin ng mga pag-ulan at posibleng pagbaha sa mga low lying areas.

Kagabi pinulong ni QCDRRMO’s Urban Search and Rescue supervisor Don Bayangos ang mga USaR rescue team kasama ang QCPD search and rescue personnel para sa kanilang deployment sa mga ibat ibang low-lying areas sa siyudad.