Reading Time: 1 minute

TACLOBAN CITY – Patuloy ang ginagawang clearing operation ng mga miyembro ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa nangyaring landslide at rockslide sa bahagi ng Barangay Talahid, Almeria, Biliran.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), dahil sa walang humpay na pag-ulan na epekto ng bagyong Marilyn ay bumigay ang lupa sa naturang barangay.

Temporaryo namang naging unpassable ang naturang daan dahil sa sa rock slide.

Wala namang naitalang sugatan dahil sa naturang insidente.