Reading Time: 1 minute

GENERAL SANTOS CITY – Land conflict ang tinitingnan na motibo ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril sa tatlong katao sa Purok 1-A Brgy. Landan Polomolok, South Cotabato.

Nagpapagaling pa sa pagamutan ang magkapatid na sina Romelo Tampaan, 35, na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan at Clifford Tampaan.

Sugatan naman sa kanyang hita at ang kanilang pinsan na si Jomel Tampaan ay natamaan sa leeg.

Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, inihayag ni Lt. Col. Samuel Cadungon, hepe ng Polomolok Municipal Police Station, sinabi nito nangyari ang pamamaril nang pauwi na ang mga biktima sa kanilang bahay.

Bigla umanong binaril ng mga suspek ang mga ito.

Narekober ng pulisya sa lugar ang fired cartridge ng caliber .45 pistol, live ammunition ng 5.56 na baril, garrand rifle at carbine.

Inihayag pa ni Cadungon na patuloy ang hot pursuit operation ng kanyang mga tauhan matapos na makilala ang mga salarin sa krimen.