Naglunsad ang Land Bank of the Philippines ng programang “Study-now-pay-later” program.
Ang nasabing programa ay bilang pantulong sa mga magulang na may mga anak na nagpapaaral na labis na naapektuhan ng coronavirus pandemic.
Sa nasabing programa, papayagan ang mga magulang o guardians ng makautang ng katumbas ng isang school year o 2 semester ng hanggang P150,000 kada mag-aaral pero hindi na lalagpas ng P300,000.
Mayroong 5 percent na interest kada taon ang nasabing pautang na babayaran ng isang taon para sa mga incoming pre-school, primary at secondary students.
Habang ang loans para sa mga tertiary students ay mababayaran ng tatlong taon na mayroong 1 year grace period sa principal amount.
Sinabi ni Landbank president and CEO Cecilia Borromeo na sa I-STUDY lending Program ay matutulungan nila ng mga magulang para mapagtapos ang kanilang mga anak sa pag-aaral.