DAGUPAN CITY- Nananatiling nasa state of calamity ang isang bayan at isang syudad sa probinsya, dulot ng bagyong egay at hanging habagat.
Ayon kay Vice Governor Mark Ronald Lambino, acting governor sa probinsya ng Pangasinan, nagdeklara na ng state of Calamity ang bayan ng Calasiao at syudad ng Dagupan, dahil umabot na sa 33 Million pesos ang infrastructure damage sa kanilang distrito, at patuloy pa rin ang pagtaas ng tubig baha sa ilang mga kalsada at lugar.
Samantala, sa sektor naman ng agrikultura, umabot na sa 40 Million pesos ang naitalang pinsala sa pananim na mais habang nasa 20-22Million pesos naman sa palay.
Dagdag pa rito, wala namang naitalang mga casualties sa probinsya ngunit inaasahan pa rin ang epekto ng bagyo dahil nasa Philippine Area of Responsibility pa rin ito at dala na rin ng hanging habagat.
Sa ngayon ay nadaraanan pa rin ang mga National Roads at ilang Provincial Roads sa probinsya ngunit may mga ilang bahagi na pahirapan ang daanan tulad ng bayan ng Calasiao at sa syudad ng Dagupan.
Kaugnay nito, hindi pa aniya kailangan ng pagdi-deklara ng state of calamity sa probinsya at kung kinakailangan man ay pawang localized declaration lamang.
Nakahanda naman ang mga Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Council, Department of Social Welfare and Development, mga iba pang departamento, at pre-position goods, upang tugunan ang mga posibleng maging epekto ng bagyong Falcon at pangangailangan ng mga residente.