Arestado ng mga tauhan ng PNP Anti Cyber Crime Group (ACG) ang isang lalaking sangkot umano sa credit card fraud .

Kinilala ang suspek na si Stephen Francid Lucena, residente ng Tomas Mapua Street, Sta Cruz, Manila.

Ayon kay Psupt Jay Guillermo ng ACG, ginamit ni Lucena ang Credit Card na pagmamay-ari ng isang Crispin Rumbawa na bibili uli ng mamahaling cellphone sa Megamall kahapon ng alas-5:00 ng hapon.

Nakatakas ang kasamahan nito na nakilalang si Nathanlia Tripon alias Liah kung saan niya ipinasa ang cellphone na una nilang nabili.

Batay sa record ng bangko, umabot na umano sa P300, 000 ang halaga ng nabili ni Lucena gamit ang nasabing credit card.

Kakasuhan ng paglabag sa anti-cyber crime act si Lucena.

Palusot naman ng suspek na napulot lang daw niya ang credit card sa Tondo, Manila at sinubukang gamitin dahil wala itong trabaho.

Ngunit nagpagawa pa ito ng ID ng isang kilalang telephone company gamit ang pangalan ng nasa credit card upang palabasin na siya ang may ari nito.