-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Dead on arrival ang isang lalaki matapos maaksidente habang may nire-rescue na sasakyan sa Barangay Aurora, Jovellar, Albay.
Kinilala itong si Madiobe Beltran Baganan, 66-anyos na residente ng Barangay Calzada sa naturang bayan.
Sa impormasyon mula sa pulisya, sinaklolohan ni Baganan ang isang na-trap na van kung saan tinu-tow umano niya ito gamit ang mini-dump truck.
Subalit biglang pumalya ang truck habang hinahatak ang van.
Dahil dito, bumaba si Baganan sa dump truck upang suriin sa likod kung ano ang problema ngunit biglang umatras ang sasakyan.
Ito ang dahilan upang mabangga si Baganan na tinamaan sa tiyan at dibdib.
Dinala sa pagamutan ang driver subalit tuluyan nang binawian ng buhay.