-- Advertisements --
Natukoy na ng mga otoridad ang lalaking nasa likod ng panununog ng isang bus sa Quezon City.
Batay sa inilabas na report ng Bureau of Fire Protection (BFP), nakilala ito bilang si Edwin Dejos, 49 anyos.
Matatandaang noong Enero a tres nang masunog ang isang pampasaherong bus sa Fairview Quezon City matapos na buhusan ni Dejos ang konduktorang si Ameline Sembana ng flammable liquid.
Kapwa nasawi sa naturang insidente sina Sembana at Dejos.
Batay sa imbestigasyon dating mag live-in partner ang dalawa, at mayroong itong tatlong anak.
Sa ngayon, sinabi rin ng BFP na nananatiling nasa Rizalde Funeral Services sa Payatas Quezon City ang labi ni Dejos.