BAGUI CITY – Arestado ang isang lalaki dahil sa panggagahasa sa isang mentally challenged na biktima sa Melvin Jones Grandstand sa Baguio City.

Nakilala ang suspek na si Deogracio Cruz Viray.

Ayon sa report, nakita ni Police Staff Sergeant Rosendo Diwas ang paglapit ng suspek sa biktima sa nakaparadang sasakyan niya.

Nakita din niya ang ginawang pagpasok ng suspek ng kanyang kamay sa pribadong bahagi ng katawan ng biktima.

Nahuli ang suspek sa pamamagitan ng mga nagrespondeng otoridad at sinampahan na ang suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 8353 o Anti-Rape Law of 1997.