VIGAN CITY – Labis ang kasiyahan ng lalaking taga-San Isidro, Bantay, Ilocos Sur matapos na mabigyan ng libre at bagong walker dahil sa Bombo Medico.
Siyam na taon kasing nagtiis sa luma at sira-sirang walker si Florante Amit.
Aniya, noong nakaraang taon, hindi siya nabigyan ng walker dahil hindi siya nakapagpalista noon.
Dahil dito, inabangan daw nito ang Bombo Medico 2019 para magkaroon ng libre at bagong walker.
Taong 2010 aniya nang malumpo siya dahil sa pagbaril sa kaniya ng mga hindi pa rin nakikilalang suspek sa bayan ng Sta. Maria, Ilocos Sur.
Maliban pa kay Amit, isa rin sa mga nabigyan ng wheelchair ang 84-anyos na si Perla Saupan na taga- Sunggiam, San Juan, Ilocos Sur.
Sa kabuuan, aabot sa PHP 900,000 ang halaga ng mga gamot na ipinamimigay ng Bombo Vigan sa mga taga- Ilocos Sur at kahit sa mga mula sa karatig- probinsiya lalo na ang mga nanggaling pa sa lalawigan ng Abra.