NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos ibitay ang kanyang sarili sa taas ng tower ng National Grid Corporation of the Philippines sa Pacol, Naga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Van Layosa, Station Commander ng NCPO- Station IV sinabi nitong base umano sa kwento ng pamilya ng biktimang si Erwin, ilang araw na umanong walang kibo at tulala ito.

May mga nakapagsabi na rin umanong nagrereklamo ito na may mga naririnig na boses na hindi naman niya nakikita.

Hanggang sa nakita na lamang ng may-ari ng lote ang biktima na nakabitay na sa taas ng mismong tower.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, wala naman umanong record ang barangay at mga kapulisan na nakagawang krimen ang biktima habang negatibo rin ito sa ipinagbabawal na gamot.

-- Advertisement --

Sa kabilang dako, wala namang nakikitang foul play sa likod ng insidente.