Arnold Schwarzenegger
Arnold/ IG photo

Napigilan ng mga security ni Arnold Schwarzenegger ang lalaking nagtangkang magnakaw ng kaniyang bisikleta.

Naganap ang insidente habang nasa loob ng isang gym sa Venice, California ang actor kung saan tinangka ng isang lalaki na tangayin ang nakaparadang bisikleta nito.

Lingid sa kaalaman ng suspek na may mga nakakitang security ng dating California governor na nasa labas ng gym.
Agad nilang pinigilan ang lalaki gamit ang taser.

Hindi naman interesado pang magsampa ng kaso ang actor laban sa suspek.