-- Advertisements --

LAOAG CITY – Depresyon ang nakikitang dahilan kung bakit nagbigti-patay ang isang lalaki sa ginagawang cellsite sa Brgy. 12 dito sa lungsod ng Laoag.

Kinilala ni PLt. Col. Rafael Lero, hepe ng PNP Laoag ang lalaki na si Larry Matulin, 39-anyos, fish vendor at residente rin sa naturang barangay.

Ayon kay Lero, nalaman lamang nila ang pangyayari sa isang online seller na nakakita mismo sa biktima na nakabitin sa cellsite.

Maalala na si Matulin ay nasampahan ng kasong pagnanakaw noing nakalipas na buwan dahil sa pagnakaw umano nito ng sugpo, ngunit nakapagpiyansa rin.

Lumalabas na na-depress umano si Matulin dahil bumabagabag sa kanya ang kanyang pangako na magbabayad sa mga nangreklamo sa kanya.