Pinagmumulta na ang 28 taong gulang na Chinese national na naghagis ng kaniyang “lucky coin” sa loob ng eroplano.

Bilang kabayaran sa nagawang kasalanan, pinagbabayad ito ng $17,200 (£13,100) sa budget airline na Lucky Air.

Pinagbawalang lumpiad ang eroplano matapos makakita ng baryang nakasingit malapit sa makina nito.

Inamin naman ni Lu Chao na siya nga ang nagbato ng barya habang pasakay ito sa kaniyang flight sa Anqing Tianzhushan Airport sa China noong Pebrero 2019.

Kaagad namang nagsagawa ng safety checks ang aviation authorities kung saan nauwi sa pagka-stranded ng ilang pasahero.

Ikinulong din si Lu ng mga pulis sa loob ng 10 araw at kinasuhan ng disturbing public order.