CAUAYAN CITY– Patay na nang matagpuan ang isang magsasaka matapos magpaalam sa kanyang ama para kumuha ng labong sa tabing ilog sa Roxas, Naguillian, Isabela.

Ang biktima ay si Nelson Elgera, 47 anyos at residente rin sa nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Captain Maryjane Sibbaluca, deputy chief of Police ng Naguilian Police Station, kanyang sinabi na nagpaalam umano ang biktima sa kanyang ama para kumuha ng labong sa may tabing ilog subalit hindi na bumalik.

Hinanap umano nila ang biktima subalit hindi nila nakita .

Nakita na lamang ang bangkay ng biktima na palutang lutang sa ilog.

Sinabi pa ni P/Captain Sibbaluca na maysakit na epilepsy ang biktima at madalas umatake ang kanyang sakit.