-- Advertisements --

Sinunog ng isang Hapon ang kanyang sarili para magprotesta sa state funeral ng dating Japan Prime Minister na si Shinzo Abe na pinatay noong Hulyo.

Tumawag ng pulis ang mga witness matapos nilang makita na may isang lalaki ang nasusunog malapit sa opisina ng prime minister.

Naapula naman ang apoy at agad siyang dinala sa pinakamalapit na ospital dahil may malay pa ito ngunit hinang-hina na.

Ang sinasabing lalaking Hapon ay nasa edad na 70-anyos at hindi pa matukoy kung gano kalala ang kanyang mga natamong sugat.

Hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang gobyerno ng Japan ukol sa nasabing insidente.

Maalalang si Shinzo Abe ay binaril at namatay noong ika-8 ng July sa kanyang campaign rally para sa kanyang political party. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)