-- Advertisements --
Napatay ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang isang lalaki na nagbantang papatayin si US President Joe Biden.
Naganap ang insidente sa Provo, Utah, kung saan naghain ng arrest at search warrants ang mga otoridad laban sa suspek na si Craig Robertson.
Base sa reklamong inihain sa US District Court sa Utah na binantaan niyang may mangyayaring hindi maganda sa US President kapag bumisita ito sa Utah.
Magugunitang nakatakdang bumisita si Biden sa mga susunod na linggo.