VIGAN CITY – Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril na ikinasawi ng isang lalaki sa bayan ng Caoayan, Ilocos Sur.

Kinilala ang biktima na si Pedro Fontanilla, 60, mangingisda, at residente ng Brgy. Pandan.

Batay sa ulat, papunta sana sa kulungan ang biktima para hatiran ng pagkain ang anak na nakapiit nang barilin ito.

Ayon kay police Capt. Henry Garcia ng Caoayan Municipal Police Station, wala namang impormasyon kung may nakaalitan si Fontanilla.

Wala rin umanong mga banta na natatanggap ang biktima bago ito masawi.

Pero aminado itong nasangkot ang biktima noon sa isang insidente ng pananaksak kasama ang dalawang anak.