Cauayan City- Nasa maayos na kalagayan na ang tsuper ng jeep na nahulog sa tulay sa pagitan ng Barangay sta. Maria at San Manuel Echague Isabela .
Ang biktima ay nakilalang si Alyas Boy, na residente ng Barangay Pangal norte Echague Isabela.
Napagalaman na nagtungo sa barangay Sta. Maria ang biktima upang mamili ng alagang baboy.
Pauwi na umano ang biktima sa pangal norte nang makatanggap ito ng tawag mula sa isa sa kaniyang suki sanhi para agad itong umikot pabalik subalit sa proseso ng pagbwelta nito ay hindi nito nakalkula ang tulay sanhi para mabangga nito ang isang puno at mahulog sa ilog.
Maswerte naman ang nasabing biktima dahil may nakakita sakaniyang at agad nasagip mula sa pagkakahulog.
Sa pakikipag ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Romel Daguro inihayag nito na agad niyang nirespondehan ang biktima matapos nitong masaksihan ang pagkakahulog nito.
Ayon kay Daguro napilitan siyang basagin ang salamin ng sasakyan upang mahila palabas ang tsuper na wala ng malay at nakainum na ng tubig ng kaniyang malapitan.