LEGAZPI CITY – Nananatili pa ngayon sa pagamutan ang isang lalaki matapos na pagtatagain na mga nakainuman sa Barangay Bulang, Malinao, Albay.

Kinilala itong si Ronnie Golgata, 23-anyos.

-- Advertisement --

Nabatid sa paunang imbestigasyon na kainuman ng biktima ang mga suspek na sina Jayson Borra, Lito Jun Borra at Dominador Borra nang pauwiin ang mga ito ng barangay tanod na ina ng biktima.

Mistulang uminit ang ulo ng mga ito sa insidente dahilan upang bumalik ang mga suspek dala ang patalim at naghamon ng away sa labas ng bahay ng biktima.

Sa paglabas ng biktima, nauwi umano sa pananaga ang insidente habang gumanti naman ng taga si Golgata.

Sa ngayon, binabantayan pa ang kondisyon ng biktima at mga suspek na pawang nagtamo ng mga sugat.