LEGAZPI CITY- Nagpapagaling na ngayon sa mga tinamong sugat ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng sariling kapatid sa Brgy. Putiao, Barcelona, Sorsogon.

Kinilala ang biktima na si Norman Camposano, 25-anyos.

Nabatid sa paunang imbestigasyon ng Barcelona Municipal Police na bigla na bigla na lamang itong pinagbabaril ng kapatid na si Ruel Camposano gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng armas na nagtamo ng sugat sa paa.

Matapos ang insidente, agad namang tumakas ang suspek na pinaghahanap na sa kasalukuyan.

Itinakbo naman sa ospital si Norman kaya’t mabilis na nabigyan ng lunas.

Nagpapatuloy naman sa ngayon ang pagsisiyasat ng kapulisan para sa pagkakaaresto sa suspek.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here