Kalaboso ang isang lalaki na sinasabing namimili ng boto sa Malabon City.

Inaresto si Joel Adora, 48-anyos, residente ng Barangay Concepcion, Malabon City.

Ayon sa Malabon Police, nagpapatrolya ang mga barangay tanods dakong alas-9:30 kagabi nang magsumbong sa kanila ang isang concerned citizen na sangkot ang naturang suspect sa vote buying.

Papalapit pa lamang ang tanod nang makita nila ang suspek mula sa malayo na tumatanggap ng bundle ng mga envelopes na may mga dokumento mula sa isang unidentified person na lulan ng isang Toyota Vios.

Kaagad namang tumakas palayo ang naturang sasakyan at muntik pang mabangga ang mga tanod na papunta sana sa kanya.

Samantala, nakumpirma namang hawak ng suspek ang iniabot sa kanya na bundle ng envelope at mga dokumento kaya ito inaresto.

Na-recover sa suspect ang 17 maliit na puting envelope na naglalaman ng P300, 15 unsigned acknowledgment receipts na may pangalang Konsehal Mac Tiangco, at lisatahan ng mga botante at beneficiaries.