-- Advertisements --

NAGA CITY – Tuluyan nang sinampahan ng kaso ang suspek na nanakal-patay sa sariling biyenan sa Buenavista, Quezon.

Maaalala, una nang kinilala ang biktima na si Anastacia Buenafe, 50-anyos, residente ng Sitio Taluto sa nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSMSgt. Warren Canuel, Chief Investigator ng Buenavista Municipal Police Station, sinabi nito na labis-labis ang nararamdamang galit ng mga kapamilya ng biktima dahil nang maiulat umano na nawawala si Buenafe kasama pa nila ang suspek na si Deymar Loresca Abrincillo, 38 taong gulang, at residente ng Brgy. Cadlit, Buenavista, Quezon sa paghahanap dito.

Aniya, crime of passion ang tinitingnang motibo sa krimen

Sa kwento ng nasabing ninong, umamin di umano sa kanya ang suspek patungkol sa kanyang nagawang krimen kaya naman agad niya itong isinumbong sa himpilan ng kapulisan.

Agad naman nagpunta sa lugar ng insidente ang mga imbistigador ng Buenavista MPS para sa follow-up investigation na kung saan ang suspek pa mismo ang nagturo sa lugar kung saan n’ya tinangkang itago ang biktima sa pamamagitan ng pagtapon sa isang mining hole sa bulubunduking bahagi ng nasabing barangay.

Sa salaysay ng suspek, nagkaroon di umano sila ng hindi pagkakaintindihan ng biktima kaya niya ito sinakal gamit isang nylon cord.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Buenavista MPS ang suspek habang hinahanda ang mga kinakailangan dokumento para sa kasong murder na isasampa sa kanya.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Quezon Police Provincial Office sa pamumuno ni PCOL Ledon D Monte kasabay ang pangako na gagawin ang lahat para makamit ng biktima ang hustiya na nararapat sa kanya.