-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos saksakin ang sariling dibdib sa Sitio Malibtong, Brgy. Olag Pequeño, Tinambac, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Sherwin Jeric Silos, 24-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na nadiskobre na lamang ng kanyang pinsan na si Jonel Rangel ang biktima na nakabulagta sa sahig habang may nakatusok na kutsilyo sa dibdib nito.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na maliban sa nasabing kutsilyo, may natagpuan ding tali sa itaas ng bangkay kung saan pinaniniwalaang unang nagbigti ang bitkima dahil sa bakas ng tali sa kanyang leeg.

Samantala, kinumpirma naman ni Emelyn Silos, 57-anyos, incumbent Barangay Kagawad ng Brgy. San Jose at ina ng biktima na nakakaranas ng depresyon ang anak na pinaniniwalaang nagtulak dito para gawin ang krimen.