-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang mangingisda ng pagsasaksakin sa Infanta, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Alyas Frederick, 42-anyos, residente ng Purok Maligaya, Barangay Dinahican sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang biktima sa dalawang suspek na kinilalang sila alyas Rafael, 55-anyos, at Custodio, 89-anyos, parehong residente ng naturang lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman pa na habang nasa mainit na diskusyon, ang tatlo ay kumuhan ng kutsilyo ang biktima sa kanyang bahay upang atakehon ang mga suspek.

Dito rin, nangyari ang agawan ng kutsilyo at nang makuha ito ng suspek, dito na nila pinagsasaksak ang biktima.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na agad ring isinugod sa ospital para sa asistensya medikal ngunit sa kasamaang palad, ito rin ay binawian ng buhay.

Samantala, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon, habang narekober naman sa mga ito ang kutsilyo na ginamit sa insidente.