-- Advertisements --

Patay ang isang lalaki sa banggaan ng isang jeep at motorsiklo sa Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ng PNP , lulan ng motorsiklo ang biktimang si RR Patulili at pagdating sa Tayuman, cor. Ipil St. ay bigla na lamang itong sinalpok ng pampasaherong jeep.

Dahil sa kawalang suot na helmet ng 25-anyos na biktima ay agad itong nasawi habang ang 35-anyos na driver ng jeep ay boluntaryong sumuko sa kapulisan.