-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Patay ang isang 27 anyos na lalaki matapos na bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang tricycle sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.

Ayon kay PCRP Andrew Velasco, Investigator ng Mangaldan PNP, kinilala ang biktima na si Ronald Lopez residente ng barangay Polong Sur sa bayan ng Malasiqui habang nakilala naman ang nagmamaneho ng trcicycle na si Jared Salinas, 28 anyos na residente naman ng Barangay Malabago sa Mangaldan.

Base sa kanilang imbestigasyon, patungong norte ng national road ang tricycle nang ito ay huminto upang bigyang daan ang motorsiklong patungong kaliwa.

At nang aandar at aaabante na ang nasabing tricycle ay biglang pumasok nang mabilis ang motorsiklo na minamaneho mula sa kabilang linya at bumangga ito sa tricycle.

Agad namang itinakbo sa Mapandan Community Hospital ang sakay ng tricycle na nagtamo ng sugat samantalang ang lalaking sakay naman ng motorsiklo ay agad ring itinakbo sa Region I Medical Center ngunit idineklara itong dead-on-arrival.

Dagdag pa ni Velasco kapwa lango sa alak sina Lopez at Salinas.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property naman ang kakaharapin ni Lopez.

Kaugnay nito ay nagpaalala naman ang Mangaldan PNP sa mga motorista na mag ingat sa pagmamaneho nang maiwasan ang mga naitatalang disgrasya sa kalsada.