NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos tumalon sa kampanaryo habang nagpapatuloy ang misa sa Saint Peter Church, Barangay Poblacion 2, Vinzons, C amarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Albert Totanes, 52-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Norte Police Provincial Office, nabatid na habang nagpapatuloy ang misa sa loob ng naturang simbahan nang biglang umakyat sa tuktok ng kampanaryo si Totanes at biglang tumalon.

Nagtamo ng mga malalang tama sa kanyang katawan ang biktima na agad namang isinugod sa ospital ngunit idineklara nang dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinnggil sa nasabing pangyayari,