NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin dahil sa umano’y away sa pamilya sa Brgy. Cabanbanan Calabanga, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Alvin Breis 23-anyos residente ng Brgy. Tinambac sa nasabing lugar.

-- Advertisement --

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj . Ronald Brugada Officer-in-Charge ng Calabanga PNP, sinabi nitong habang nag-uula umano ng kalabaw si Breis nang biglang dumating sina Ricardo Francisco at Alexis Delos Santos at pinagbabaril ito.

Ayon kay Brugada, dahil dito agad namang isinugod sa ospital si Breis na idineklara naman ng mga doktor na dead on arrival.

Aniya, tinitingnang motibo sa pamamaslang ang matagal ng alitan sa pamilya ng mga ito.

Sa ngayon, nakalagak naman ang mga labi ng biktima sa Calabanga Rural Health Unit para sa patuloy na imbestigasyon at otopsiya.

Samantala, patuloy namang pinaghahanap ng mga otoridad ang mga suspek na agad na tumakas matapos ang nasabing krimen.