-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang lalaki matapos na mawalan ng kontrol ang minamaneho nitong motorsiklo sa pakurbadang bahagi ng kalsada sa General Luna, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Rico Pantoja Abrigo, 37-anyos, residente ng Barangay Bacong Ilaya, sa nasabing bayan.

Sa nakalap ng impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas nito gamit ang kaniyang motorsiklo patungo sa direksyon ng kanilang barangay ng bigla itong mawalang kontrol pagdating sa kurbadang bahagi ng kalsada.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa insidente nagtamo ng malalang sugat sa ulo si Abrigo na agad namang dinala sa pagamutan para sa asistensiya medikal ngunit ideklara rin itong dead-on-arrival ng doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.