NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos na umanong hampasin ng kawayan sa ulo sa Brgy. Cabuyao Norte, Padre Burgos Quezon.

Kinilala ang biktima na si Reynaldo Atienza, 53-anyos residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLt. Randy Buenaventura hepe ng Padre Burgos PNP, sinabi nitong wala na umanong buhay ang biktima na natagpuan sa nasabing lugar.

Ayon kay Buenaventura, pinaniniwalaang pinukol ito sa ulo ng kawayan na naging dahilan ng agad na pagkamatay nito.

Samantala, nabatid naman na nakaalitan ng biktima ang suspek na agad tumakas matapos ang nasabing insidente.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.