NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin at pagtulungan ng dalawang lasing sa Brgy. Siramag Balatan, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Bernard Sanfuego 27-anyos residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Police Staff Sgt. Ritchie Doctolero tagapagsalita ng Balatan PNP, sinabi nitong habang nag-iinuman ang dalawang suspek na sina Junior Dapadap at Christian Dapadap nang bigla nitong makita si Sanfuego at pinagsalitaan ng masasamang salita.

Ayon kay Doctolero, dahil sa sobrang kalasingan ng dalawa umabot ang sagutan sa pamamaril ni Junior at ni Christian.

Dahil dito, nagtamo ng malalang tama sa dibdib si Sanfuego na naging dahilan ng agad nitong pagkamatay.

-- Advertisement --

Samanatala, narekober naman sa crime scene ang tatlong fired cartridge, isang live ammunition at isang caliber 45.

Sa ngayon, patuloy naman ang hot pursuit operations ng mga otoridad sa mga suspek na sinasabing agad na tumakas matapos ang nasabing krimen.