-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirma ni Police Capt. Chris Chris Anthony Sorsona, ang hepe ng PNP-Solsona na isang lalaki ang namatay matapos magbigti.

Ayon kay Sorsano, sa imbestigasyon nila ay depress ang 26-anyos na biktima dahil sa pangingibang bansa ng kanyang asawa.

Inihayag pa nito na ang nais ng biktima ay palaging nakikita at nakakausap sa telepeno ang asawa na nasa Jeddah, Saudi Arabia.

Ngunit dahil hindi aniya nagagawa ito ng asawang OFW dahil na rin sa trabaho sa ibang bansa ay posibleng ito ang nag-udyok sa lalaki na magbigti.

Samantala, sinabi ni Sorsano na nalaman lamang nila ito matapos magreport ang isang concerned citizen at sa kanilang pagresponde ay isa nang malamig na bangkay ang naturang lalaki.