ROXAS CITY – Patay ang 49-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng pinsan sa Sitio Malanao, Barangay San Jose, Jamindan, Capiz.

Nagtamo ng sugat sa likod ang biktima na si Roberto Llauderes na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Ayon kay Leonard Pajes kasamang umiinom ng biktima na masaya silang nag-iinuman ng biglang dumating ang suspek na si Jordiolin Idio.

Isa sa mga umiinom ang nagpauwi sa suspek na kaagad naman sumunod.

Ngunit ikinagulat na lamang ng lahat ng biglang bumalik ang suspek dala na ang 12-gauge shotgun.

Bago ito nakapasok sa bahay ay nakita niyang umihi ang biktima sa bakuran.

Posibleng naniwala si Idio na ang biktima ang nagpauwi sa kanya, at dahil galit sa ginawa sa kanya ay bigla niya itong binaril.

Dinala pa sa ospital ang biktima, ngunit dineklarang dead on arrival.

Samantala sumuko rin ang suspek na ngayon ay nakakulong na

Ayon naman kay Staff Sergeant Elvis Villasis ng Jamindan police, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na sobrang kalasingan ang motibo sa krimen.