CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang lalaki sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Haris Kasim at residente ng Barangay Tambunan ll Guindulungan Maguindanao.
Habang ang suspek ang kanyang kapitbahay na si Omar Latip.
Ayon kay Guindulungan Chief of Police,Lieutenant Anwar Mambatao na binully umano ng biktima ang suspek.
Hindi nakapagpigil sa sobrang galit ng suspek ay pinagbabaril si Kasim gamit ang M16 Armalite rifle.
Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.
Agad namang tumakas si Latip matapos ang pamamaril ngunit nahuli ito ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at MILF.
Sa ngayon ay nakapiit na sa costudial facility ng Guindulungan PNP ang suspek at kakaharapin nito ang kasong pagpatay.