Reading Time: 1 minute

TACLOBAN CITY – Patuloy na nilalapatan ng lunas ang isang lalaki matapos itong pagbarilin ng pinaniniwalaang miyembro ng CAFGU sa isang sayawan sa Purok 5, Barangay Borok, Ormoc City.

Kinilala ang biktima na si Manuel Coyo, 46.

Samantala ang suspek naman ay natukoy na si Claros Escodello Jr., 37 .

Ayon kay Maj. Rex Cantillep ng Ormoc Police Station, parehong nasa sayawan ang suspek at biktima nang biglang nag-amok daw ang biktima.

Dahil sa grabeng kalasingan ay pinagsasapak at binaril ng suspek ang naturang biktima.

Nakapagtamo naman ito ng isang tama ng bala sa kaniyang katawan at masuwerteng nakaligtas.

Kaagad na nahuli ang suspek at ngayon ay nasa kustodiya na ng mga kapulisan at nahaharap sa karampatang kaso.