-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang pagkakilanlan ng isang lalaki na brutal na pinatay at itinapon sa talahiban sa Barangay Tahing, Calinog, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Capt. Dadje De Lima, hepe ng Calinog Municipal Police Station, sinabi nito na batay sa resulta ng autopsy examination, nagtamo ng brain injury at tinorture ang biktima bago pinatay.

Maliban dito, pinutol rin ang mga daliri nito sa kamay at paa at basag rin ang mukha nito.

Naniniwala naman ang mga otoridad na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lang sa nasabing lugar.