-- Advertisements --

Arestado ang isang lalaki matapos ang tangkang pagpasok sa konsulada ng Iran sa Paris.

Base sa ulat ng mga empleyado ng konsulada na mayroong dala umano ang suspek na granada at bomba na nakalagay sa vest.

Pagdating ng mga kapulisan ay inaresto nila ang suspek at walang nakuhang anumang pampasabog.

Dahil sa insidente ay hinigpitan ng US ang kanilang embahada na rin sa Paris.