CAUAYAN CITY – Binaril ang isang lalaki ng kanyang kainuman sa barangay Calamagui First, Ilagan City.

Ang biktima ay si Ramon Kristoffer Argonza, 35 anyos habang ang suspect ay si Gaddi Mark Francisco Pagurayan , 36 anyos, binata, LGU Employee at kapwa residente ng Calamagui 1st , City of Ilagan .

Lumabas sa paunang pagsisiyasat ng City Of Ilagan Police Station na nagkaroon ng inuman sa bahay ni Pagurayan.

Habang nag-iinuman ang biktima at ang suspect ay nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo sanhi para kunin ni Pagurayan ang di pa matukoy na kalibre ng baril at binaril ang biktima sa kanyang likod at kanang balikat .

Inaresto ng mga tumugong kasapi ng City of Ilagan Police Station ang suspect habang dinala sa pagamutan ang biktima.