-- Advertisements --

Binitay ng gobyerno ng China ang mag-asawa na nagtapon ng kanliang anak sa isang high-rise apartment.

Matapos na mapatunayang guilty ang lalaki at nobya nito kumitil sa anak ng lalaki sa southwestern metropolis ng Chongqing.

Kinilala ang mga suspek na si Zhang Bo at nobya nitong si Ye Chengchen.

Dahil sa itinuturing ni Ye na isang sagabal sa relasyon nila ng nobyo ang dalawang anak nito kaya binantaan niya na iiwanan nito.

Noong Nobyembre 2020 ay pinagtulungan nilang itinapon nila ang mga anak ng lalaki na isang two-year old na batang babae at isang taong gulang na batang lalaki mula sa ika-15 palapag ng apartment.

Noong Disyembre 2021 ay hinatulan ang dalawa ng parusang kamatayan dahil sa pagpatay sa dalawang bata.