NAGA CITY- Arestado ang isang 27-anyos na lalaki matapos ang isinagawang drug buy bust operation sa Brgy. Sta Rosa del Norte, Pasacao Camarines Sur.

Kinilala itong si Joel Nolasco, residente ng naturang lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCpt Maria Victoria Abalaing, hepe ng Pasacao PNP, sinabi nito na narekober sa suspek ang 27 pirasong transparent heat sealed plastic sachet na pinaniniwalaang shabu.

Sa inisyan na imbestigasyon ng mga otoridad, nakumpiska pa rito ang ilan pang drug paraphernalia.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang naturang suspek para sa karampatang disposisyon.