SACRAMENTO – Muli na namang nakapagtala si LeBron James ng triple-double sa kabila ng off-night shooting, tumipa ng 21 points si Anthony Davis at tinambakan ng Los Angeles Lakers ang Sacramento Kings, 129-113.

Nagtapos na may 15 points, 11 assists at 10 rebounds si James para tulungan ang Los Angeles na mawakasan ang kanilang two-game skid.

Nagdagdag ng 19 points si Avery Bradley, kumamada ng 15 si Kentavious Caldwell-Pope at may 13 points at walong assists naman si Rajon Rondo.

Tumiupa ng 24 points si De’Aaron at may 22 si Buddy Heild para sa Sacramento.