Hindi inalintana ng Los Angeles Lakers ang pagkawala ng kanilang superstar player na si LeBron James dahil sa injury makaraang talunin ng team sa overtime ang San Antonio Spurs, 125-121.
Nanguna sa come-from-behind win ng Lakers sina Anthony Davis na kumamada ng 35 points at 17 rebound, habang si Russell Westbrook naman ay nagdagdag ng double-double figures din na 33 points at 10 rebounds.
Ito na ang pangalawang panalo mula sa dalawang talo ng Lakers, habang ang Spurs naman ay nakatikim ng ikatlong talo.
Sinasabing lumakas ang loob ng mga Lakers players dahil sa pinuno ng mga fans ang arena at na-sold out ang AT&T Center upang suportahan ang koponan.
Ang injury ni James ay nakuha niya sa game nitong nakalipas na Lunes laban sa Memphis Grizzlies nang bumagsak si Desmond Bane sa kanang paa ni LeBron nang maka-score siya sa layup.
Sa laro kanina, muling nakaranas ng injury scare ang LA nang bumagsak si Davis at magkaroon ng right knee injury sa huling bahagi ng fourth quarter makaraan ang banggaan nila ni Dejounte Murray ng Spurs.
Sa kabila nito, swerte pa rin aty nakarekober si Davis at naglaro pa hanggang sa final 32.2 seconds ng regulation play.