-- Advertisements --

Buhay pa ang tsansa ng Los Angeles Lakers sa first round ng NBA playoffs matapos talunin ang Denver Nuggets 119-108.

Hindi hinayaan ng Lakers na ma-sweep sila ng defending champion Nuggets sa kanilang homecourt kung saan hawak ng Denver ang 3-0 na kalamangan.

Bumida sa panalo ng Lakers si Anthony Davis na mayroong 25 points, 23 rebounds habang mayroong tig-21 points sina Austin Reaves at D’Angelo Russel.

Nasayang naman ang nagawang 33 points, 14 rebounds at 14 assists ni two-time NBA Most Valuable Player Nikola Jokic habang mayroong 25 points at 10 rebounds si Michael Porter samantalang 16 points si Jamal Murray.

Hindi naman nagpapakumpiyansa ang Lakers dahil sa wala pang koponan ang nakabangon sa 0-3 na bentahe.