Hindi lubos na naging impresibo ang laban ng Los Angeles Lakers para sa ilang basketball analyst.
Ito’y sa kabila ng panalo nila kontra sa Pelicans, 110 – 106.
Sa simula pa lang kasi ng laban, nakitaan na ng pagiging agresibo ang New Orleans.
Patunay dito ang 34 points agad ng kuponan kontra sa 26 lamang ng Lakers.
Lumaki naman ang kalamangan ng team ni Lebron James sa second quarter, bago muling naging dikitan ang laban sa mga sumunod na quarter.
Marami din ang namangha sa 40 points ni Zion Williamson, bukod pa sa 11 rebounds at 5 assists.
Mas malaki ito sa 23 points ni James, 9 rebounds at 9 assists.
Gayunman, para sa panig ng Lakers, ang importante ay ang resulta ng laban, kung saan sila pa rin ang nagtagumpay.
Pero payo ng observers, hindi dapat magkumpyansa ang team ni Lebron dahil bilog ang bola at maaaring maagaw sa kanila ang momentum.