Abanse na sa playoffs ang Los Angeles Lakers matapos talunin ang Minnesota Timberwolves 108-102.
Sa naging laban, kumamada si Lebron James ng 30 pts, 10 rebounds, at anim na assists habang si Anthony Davis ang depensa ng lakers sa kanyang 15 rebounds, kasama ang 24 pts.
Sa panig ng Wolves, nalimitahan lamang ng hanggang 24 pts ang kanilang center na si Karl Anthony Towns, kasama ang 11 rebounds, habang umabot lamang ng 9 pts ang kanilang star point guard na si Anthony Edwards.
Sa unang bahagi ng laro, abanse pa ang Wolves hanggang sa pangatlong quarter ngunit nakaya ng Lakers na itabla ang laban sa bago matapos ng 4th quarter.
Umabot sa overtime ang laro ngunit nalimitahan lamang ang wolves ng hanggang apat na puntos sa loob ng limang minuto habang nakaya ng lakers na makapagpasok ng hanggang 10 puntos.
Dahil sa panalo, nakuha na ng lakers ang pangpitong puwesto sa Western Conference.
Makakalaban nito ang Memphis Grizzlies na pangalawa sa West.
Samantala, may pagkakataon pang makapasok sa playoffs ang Wolves kung kakayanin nilang talunin ang magiging winner sa pagitan ng New Orleans Pelicans at Oklahoma City Thunder.