-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Science and Technology (DOST) ang publiko na binabantayan nila at nagsasgawa rin ng research sa lahat ng mga variants ng COVID-19 virus sa bansa.
Sinabi ito ni DOST Undersecretary for Research and Development Rowena Cristina L. Guevara, na siyang nangunguna sa Task Group on Vaccine Evaluation and Selection, kasunod ng mga ulat na maaring maipasa sa ibang tao ang Delta coronavirus variant tulad ng chickenpox.
Ngayong mayroong banta ng mas nakakahawang Delta variant, sinabi ni Guevarra na kailangan paigtingin pa ang ongoing vaccination efforts.
Bukod dito, kailangan din aniyang mahigpit pa ring sundin ng publiko ang umiiral na public health standards.