-- Advertisements --

Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na accounted na ang lahat ng 165 pasahero at crew members ng nasunog at lumubog na motorbanca na MBCA Mama Mary Chloe sa Pres. Carlos P. Garcia, Bohol.

Ayon sa PCG ang nag-iisang pasahero na inisyal na napaulat na nawawala ay nasagip din agad kahapon nang masunog at lumubog ang naturang motorbanca.

Paliwanag ng PCG na ang inidibidwal na natukoy na si Andy Toniaco na residente ng Brgy San Juan, Hilongos, Leyte ay agad na umalis sa nang mangyari ang insidente dahil sa trauma subalit kabilang aniya ito sa narescue.

Ayon pa sa PCG, ligtas ng nakabalik na sa kanilang mga tahanan ang nasa 135 mula sa 164 na nakalitas kabilang si Toniaco.

Ang natitirang 29 na survivors naman ay patuloy na nasa supervision ng local government unit ng bayan ng President Carlos P. Garcia para sa medical attention.

Sa kasamaang palad naman, ang pasaherong kinilalang Adolfo Ranola, 53 anyos mula sa Brgy Poblacion Trinidad, bohol ang nasawi sa insidente.

Sa kasalukuyan, hindi pa matuloy ng PCG ang pinag-ugatan ng sunog sa motorbanca bago ito lumubog.

Paliwanag ng PCG, hindi nam,an aniya overloaded ito dahil may passenger capacity ang motorbanca ng hanggang mahigit 250 pasahero.

Nilinaw naman ng PCG na hindi nagresulta ng oil spill ang naturang insidente.